-- Advertisements --
Mahigit 200 na pasahero pa rin ang nakatengga sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao ng dahil sa Tropical Depression Kabayan.
Batay sa datos ng Central Office ng Philippine Port Authority, aabot sa kabuuang 236 na mga pasahero ang nananatili sa mga terminal ng mga pantalan sa nasabing rehiyon ang nakatengga dahil sa kakulangan ng mga barko na bumabyahe.
Aabot naman sa 31 na mga pasahero ang hindi pa nakakabyahe simula pa noong lunes sa pantalan sa Bohol.
Sa Agusan port naman ay may 31 na pasaherong stranded.
May 174 na mga pasahero naman ang stranded sa Port of Cagayan de Oro City..
Sa kabilang bansa, pinayagan na ring makabyahe kahapon ang mga pasaherong natengga sa NCR North Harbor matapos na ibaba sa LPA ang minomonitor na bagyo.