-- Advertisements --

CEBU CITY – Dumating ang daan-daang repatriated overseas Filipino workers (OFW) sa lungsod ng Cebu matapos itong na-stranded sa Manila dahil sa COVID-19 restrictions.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG), dumating sa Pier 6 ang 253 na OFW repatriates sa Cebu sakay ng mga barkong M/V St. Michael Archangel at M/V St. Francis Xavier.

Isinailalim agad sa rapid antibody testing ang daan-daang mga repatriates bilang pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Dinala agad sa hotel ang mga ito upang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.

Napag-alaman mula sa Coast Guard na sakay din sa nasabing mga barko ang iba pang mga OFW repatriates papuntang Dumaguete City, Ozamis City, Iligan, at Zamboanga City.