-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 200 pamilya ang apektado ng pagbaha dahil sa walang humpay na buhos ng ulan sa ibat-ibang lugar sa Socksargen Region.

Ito ang inihayag ni Ms. Joeremae Balmediano, Information Officer ng Office of the Civil Defense 12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Balmediano, ang mga lugar na naapektuhan ng baha ay ang mga bayan sa lalawigan ng North Cotabato particular na sa mga bayan ng Matalam at Kabacan.

Ilan sa mga apektadong lugar ay ang mga barangay ng Bangilan, Upper Paatan at Malanduague sa bayan ng Kabacan at mga barangay sa karatig bayan na Matalam.

Sa katunayan, may ilang mga motorista din ang na-stranded ng higit tatlong oras sa national highway ng Matalam, Cotabato dahil sa pag-apaw ng tubig-baha sa tulay.

Ngunit nagging passable naman pagkalipas ng ilang oras at nakausad ang mga motorista.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng OCD-12 sa iba pang mga lugar sa Region 12 lalo na ang mga low lying areas na palaging binabaha sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Kaugnay nito, pinaiingat din ng opisyal ang mga residente na nakatira sa gilid ng ilog sa posibilidad ng pagbaha at landslide naman sa kabundukan.

Nagpapatulyo naman ang damage assessment sa mga lugar na apektado ng kalamidad lalo na sa agrikultura at imprastraktura.