KORONADAL CITY – Umabot sa higit 200 mga pamilya ang apektado ng flash flood at buhawi sa dalawang probinsya sa Rehiyon 12.
Ito ang kinumpitma ni Ms. Jorie Mae Balmediano, Information Officer ng office the Civil Defense Region 12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Balmediano ang probinsya ng Sultan Kudarat at South Cotabato ang naging apektado ng kalamidad dahil sa pagbuhos ngmalakas na ulan dala ang matinding hangin na naranasan ng nabanggit na mga lugar.
Sa Sultan Kudarat, apektado ang bayan ng Bagumbayan kung saan umabot sa dalawamput tatlong (23) pamilya ang nagsilikas mula sa Purok Kawayan sakop ng Barangay Poblacion, dahil apektado ng baha ang kanilang bahay sapagkat ang nasabing lugar ang ikinokonsiderang low lying area.
Samantala, kinumpirma naman ng alkalde ng Norala, South Cotabato na umabot sa isang daan at siyam (109) na mga pamilya ang apektado sa ngayon at nananatili pa ang iba sa evacuation sites dahil may iilang mga bahay ang nasira, at halos hindi na matirhan dala naman ng walang humpay na buhos ng ulan sa lugar.
Ang nasabing mga apektado pamilya ang nagmula sa apat na barangay na kinabibilangan ng Barangay Simsiman, Matapol, San Jose at Liberty.
Sa ngayon patuloy ang clearing operation sa lugar para malaman ang kabuuang pinsala na iniwan ng nasabing kalamidad.
Maliban pa sa mga bahay, marami ring pananim ang nasira at mga imprastraktura.
Agad naman na namahagi ng tulong ang mga local government unit (LGU) MDRRMO ng nasabing lugar lalong-lalo na sa mga apektadong residente.
Patuloy naman ang panawagan ng OCD 12 sa rehiyon na manatiling vigilante lalo na at pabago-bago ang temperaturang nararanasan sa Socksargen.