GENERAL SANTOS CITY – Mahigit sa 200 na pamilya ang apektado sa baha sa Barangay Mudan, Glan, Sarangani Province.
Naranasan ng mga ito ang lampas baywang na tubig-baha simula pa kahapon.
Karamihan sa mga apektadong pamilya ang walang nailigtas na mga gamit matapos na inanod ng tubig-baha.
Wala namang naiulat na nasawi sa pagbaha sa nabanggit na lugar na umabot pa sa Glan Padidu subalit may ilang nagkaroon ng mga minor injuries.
Sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Glan na nagmula umano sa mataas na bahagi ng Glan ang tubig-baha matapos ang malakas na pag-ulan.
Hindi naman umano bumuhos ang malakas na ulan sa lugar.
Gayunpaman sa huling interview ng Bombo Radyo GenSan kay Joel Polido ng MDRRMO-Glan na nakatanggap na ng relief goods ang mga apektadong pamilya at nitong araw ay nakabalik na sa kanila-kanilang bahay matapos na humupa na ang baha.