-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na nasa 246 na mga religious leaders ang nag-request sa PNP Firearms Explosive Office (FEO) ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).

Kinabibilangan ng mga humihiling ay nagmula sa mga pari, ministers, preachers at mga pastor.

Sinabi ni Albayalde na sa nasabing bilang nasa 188 dito ay mga pari.

Tumanggi naman si PNP chief na sabihin kung anong mga lugar ito at kung anong mga relihiyon na kinabibilanagan.

Pagtiyak na lamang ni Albayalde na ang bibigyan nila ng PTCFOR ay ang mga qualified gun holders na mga miyembro ng clergy, leaders ng religious conregations na nakapasa sa kanilang mga requirements.

Nakahanda rin ang PNP na bigyan ng firearms proficiency training ang mga religious leaders na nais magkaroon ng armas.

Lahat nang mag-aapply ng PTCFOR ay isasailalim pa ng PNP sa background investigation.

Hindi naman masabi ni PNP chief kung ang lahat ng mga nag apply ay bibigyan ng permit na magdala ng abril sa labas ng kanilang mga bahar.

Ang nasabing data ay naitala ng PNP-FEO matapos ang barangay at SK elections.

Nitong nakalipas na araw lamang ay lumutang ang isyu na dapat na rin daw mag-armas ang mga pari kasunod ng serye nang pagpatay, bagay na tinutulan naman ng ilang lider ng simbahang Katolika.