-- Advertisements --

Nasa kabuuang 234 Pilipino ang dumating sa bansa mula Middle East nitong Bagong Taon.

Ito ay kasunod na rin ng matagumpay na repatriation mission mula sa United Arab Emirates at Bahrain, na pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA Usec. Sarah Arriola, sakay ang naturang mga Pinoy sa isang chartered flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Sa nasabing bilang, 121 ang nanggaling sa Dubai, 51 sa Abu Dhabi, at 62 sa Manama, Bahrain.

Kabilang din sa mga repatriates ang tatlong inabandonang menor de edad, at ilang mga Pinoy na nabilanggo sa Dubai.

Umabot na sa mahigit 320,000 overseas Filipinos na ang napauwi mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Ang naturang repatriation mission ay kasabay sa pagtatapos ng apat na araw na official visit sa Manama na pinangunahan ni Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert E.A. Borje bilang special envoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bahrain.