-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Humigit-kumulang sa 60 pamilya sa Sitio Liab, Barangay Pag-asa Alabel, ang dinala sa evacuation center matapos makita ang mga malaking bitak sa lupa malapit sa kanilang mga bahay.

Sa imbestigasyon ng Sarangani Provincial Disaster Risk reduction Management Office sa pangunguna ni Rene Punzalan, 60 ektarya ng lupa aniya ang pinangangambahan na magkaroon ng landslide.

Ayon kay Punzalan, ang malalaking bitak ng lupa ay epekto ng malakas na lindol sa Mindanao noong nakaraang buwan kaya nawala ang tubig sa mga batis malapit sa lugar.

Pinagdududahang sinipsip ito ng lupa na nagresulta sa pagkakaroon ng bitak habang nagpatuloy ang pagbaba ng lupa nagresulta sa tinatawag na tension cracks.

Idineklara rin ng Pronvincial Diasster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na landslide-prone area na ang lugar at makukonsidera na itong danger zone.

Kaagad namang naghatid ng food packs ang PDRRMO sa mga residente habang naghahanap ng relocation ang LGU para sa mga residente.