-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 200 na mga locally stranded individuals (LSI) mula sa Luzon ang dumating sa lalawigan ng South Cotabato.
Pinangunahan ng Provincial Government ng South Cotabato at ng “Balik Probinsiya Program” na kinabibilangan ng Integrated Provincial Health Office, Philippine National Police, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial General Services Office at Provincial Tourism Office sa pagsundo sa mga ito sa General Santos City International Airport.
Tiniyak naman ng lokal na gobyerno na tatalima ang mga returnees sa mga kaukulang health protocols na itinakda ng health team.
Ang 14-days quarantine ay mahigpit na ipapatupad sa bawat LGUs sa pag-uwi ng mga ito.