BACOLOD CITY – Nasa kustodiya na ng Philippine National Police ang mahigit 200 mga baril ng iba’t ibang bayan at component cities sa Negros Occidental na kusang isinuko dahil hindi na-renew ang lisensiya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO) spokesperson Police Captain Edison Garcia, nasa 205 mga baril ang kabuuang isinuko sa kanila sa isinagawang ceremonial turn-over.
Ito ay may kinalaman sa kampanya ng otoridad at Commission on Elections (Comelec) na maging payapa ang nalalapit na May 2019 midterm elections.
Ayon kay Garcia, mananatili sa kanilang kustodiya ang mga baril habang pinoproseso ang mga papeles sa pagrenew ng lisensya.
Hinikayat din nito ang mga gun owners sa lalawigan na hindi pa naka-renew ng lisensya na iturn-over sa mga police station para sa safekeeping.