-- Advertisements --

Mahigit sa 2,000 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayon sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) umaabot sa 2,163 ang bagong naidagdag na mga nahawa kaya sa kabuuan nasa 502,736 na ang kinapitan ng virus mula noong nakaraang taon.

Sinasabing ang naturang bilang ang ikalawa sa pinakamarami sa Southeast Asia.

Ang panibagong mahigit sa 2,000 ang pinakamataas na bilang mula pa noong November 8 nang nakalipas na taon.

DOH covid tally

Samantala, inanunsiyo din naman ng DOH na dalawa pang pasyente ang panibagong nakarekober kaya ang mga gumaling sa bansa ay nasa 465,988.

Sa kabila nito nasa 14 naman ang mga panibagong mga namatay sa deadly virus.

Ang total death toll ngayon sa Pilipinas ay lomobo pa sa 9,909.

Ang mga aktibong kaso naman ng mga COVID-19 ay nasa 26,839.

Ang ilang mga lugar naman sa bansa na nagtala ng pinakamaraming mga bagong kaso ay ang Davao City na nasa 134, Cagayan 100, Quezon City 99, Leyte 93 at sa lalawigan ng Cavite ay 75.