-- Advertisements --
Pinakalat na ang higit dalawang libong security personnel sa Quezon at Laguna para magbantay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa araw ng Lunes , Oktubre 30.
Ayon kay Laguna police chief Police Col. Harold Depositar, binubuo ito ng 2,056 na mga lalaki mula sa Army 202nd Brigade, mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection – Laguna, PCG-Laguna , BJMP-Laguna at 671 resources pata umasiste sa naturang probinsya.
Nag-alay naman ng basbas at panalangin ang ilang religious leaders sa naging send off ceremony ng mga security personnel.
Samantala, nagtalaga naman ang Quezon police ng karagdagang 338 security forces sa lahat ng mga voting centers sa lalawigan.