Naitala ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasa mahigit 20,000 na mga violators na may kinalaman sa maling lugar na pinagkakabitan ng mga campaign materials, maling mga sukat ng mga poster at mga hindi biodegradable na materyales ang ginamit, sa pagsisimula ng Operation Baklas.
Sinigurado ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na ang lahat ng mga violators, parehas na senatorial candidates at mga party-list organizations, na naitala ng poll body ay papadalhan ng notice to remove. Dagdag pa niya na ang pagbelawala rito ng mga kandidato ay maaaring humantong sa kasong diskwalipikasyon.
Kaugnay pa nito, nilinaw din ni COMELEEC Chairman Garcia na papadalhan din ng komisyon ng notice to remove ang mga nakapaskil sa mga private property. Ngunit sinabi niya na ito ay kanilang gagawin kung hindi nila susundin ang iba pang guidelines katulad ng tamang sukat at dapat biodegradable na mga materyales ang gamitin.