-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Information and Communication Technology na aabot sa mahigit 200k na cyber attacks sa mga Telco ang naitatala ng ahensya araw-araw.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, primary target talaga ng mga pag-atake ang mga telecommunications company batay na rin sa datos ng National Security Operations Center.

Dagdag pa nito na kabilang rin sa mga primary target ng mga hacker ang mga website ng gobyerno na may katumbas na 50%

Sinusundan ito ng mga academe, telco , banking sector at health sector.

Nakakapagtala rin ang National Security Operations Center ng humigit kumulang 2.1 million na banta.

Nag-invest na rin ang mga malalaking Telco company sa bansa ng bilyong bilyong halaga ng pera para matiyak ang katatagan ng kanilang cyber security.