-- Advertisements --
Napalaya na umano ang nasa 21,000 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facilities.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman USec. Jonathan Malaya na nakalaya na ang kabuuang 21,858 bilanggo.
Batay sa datos, 15,102 ang dahil sa reduced bail, plea bargaining, parole o probation.
Samantalang 621 naman ang may sakit; 409 ang matatanda; at 24 ang buntis.
Iniulat din ng opisyal ang 180 aktibong kaso ng COVID-19 kung saan nasa 82% ang recovery rate sa inmates at 69% naman ang dinapuan nilang tauhan.
Samantala, nananatili naman ang COVID-19 death sa 1% sa inmate at 0.56% sa personnel ng BJMP.