-- Advertisements --
Umabot na sa kabuuang 21,173 lotto and gaming outlets ang isinara ng Philippine National Police (PNP) nationwide.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte na i-shutdown ang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa talamak ang korupsiyon.
Sa inilabas na datos ng PNP nasa kabuuang 5,187 lotto stores; 13,320 small town lottery kiosks; 2,194 Peryahan ng Bayan outlets; at 472 Keno shops ang kanilang sinara.
Una ng umapela si PNP chief Police General Oscar Albayalde, sa mga gaming outlets na operated ng PCSO na boluntaryo na lamang itigil ang kanilang operasyon.
Nagbabala naman si Albayalde na sinumang operator na mahuhuling hindi sumunod sa direktiba ng Pangulo ay aarestuhin ng pulisya.