-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 216,144 na trabaho ang nakatakdang magbukas sa pagbubukas ng Labor Day job fairs ng Department of Labor and Employment.
Mula sa naturang bilang ay aabot naman sa mahigit 34,000 ang iaalok na trabaho abroad.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, target ng kanilang ahensya na makapagbigay ng mas maraming trabaho katulad noong nakalipas na taon.

Batay sa datos ng ahensya, umabot sa 235,000 ang binuksang trabaho ng ahensya para sa mga Pilipino noong 2024.

Kumpyansa ito na mas dadami pa ang mga available na vacancies bago ang Labor Day sa Mayo 1.

Maaari namang magtungo ang mga mag aaapply ng trabaho sa mismong Labor Day sa 69 sites sa buong bansa.

Labing apat sa mga ito ay matatagpuan sa National Capital Region.