-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umakyat pa sa mahigit 23 libong mga pamilya sa buong Region 12 ang nanging apektado ng baha at landslide na dulot ng masamang panahon dala ng bagyong Agaton.

Ito ang inihayag ni Ms. Joremae Balmediano, Information Officer ng OCD-12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Balmediano, nagmula ang nabanggit na mga pamilya sa mga probinsiya ng North Cotabato, Saranggani, General Santos City , South Cotabato at Sultan Kudarat.

Bahagi ng nabanggit na mga pamilya ang na-displaced at nanatili ngayon sa ilang mga evacuation center habang ang iba ay nasa kani-kanilang mga kamag-anak.

Sa katunayan, may pre-emptive evacuation na ipinatupad noong nakaraang mga araw sa kasagsagsan ng pananalasa ni Bagyong Agaton.
Maliban dito, may mga nasirang daan at apektadong mga kabahayan dahil sa pagguho ng lupa.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang assessment ng Office of the Civil Defense Region 12 sa kabuuang pinsala na iniwan ng kalamidad matapos na bumalik na sa normal ang panahon sa nabanggit na mga lugar.

Ngunit, sa kabila ng pagbalik sa normal ng panahon na nararanasan ngayon sa Socksargen ay patuloy na paalala ng OCD 12 at ilang ahensiya ng gobyerno na manatiling alerto at vigilante sakaling muling bumuhos ang ulan.