-- Advertisements --

Pumalo na sa 2,314 ang bilang ng mga police personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa.


Sa datos ng PNP, 31 na bagong kaso ang kanilang naitala NASU-2, NOSU-1, NCRPO-21, PRO4A -2, PRO8-1, PRO9-1, PRO 11-1, PRO 13, 1 at PRO COR-1.

Sa datos ng PNP Health Service umabot na sa 1,329 ang mga gumaling at 11 ang mga nasawi.

Habang nasa 883 ang probable cases at 2,235 ang suspected cases.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, sa kabila ng paglobo ng Covid-19 cases sa kanilang hanay, magpapatuloy pa rin ang kanilang trabaho lalo na at ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at ilan pang karatig lugar.

Ayon kay Gamboa may sapat pa silang pwersa para magmando sa mga quarantine checkpoints.

Binigyang-diin din ni PNP chief na walang karapatan ang PNP na humiling ng time-out sa kabila ng nararanasang pagod ng mga pulis.

Ang ginagawa lamang ng PNP para maiwasan ang quarantine burnout, magkaroon ng regular rotation sa mga nag duty sa mga checkpoints.