-- Advertisements --

tanod

Isasailalim sa skills training ng Quezon City government sa pakikipag tulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG-QC) ang nasa 2,426 miyembro ng Barangay Public Safety Officers o “tanods.”

Layon nito para mapalawak pa ang kanilang mga skills sa pagtupad sa kanilang duties and responsibilities lalo na ngayong panahon ng pandemic.

Ayon kay Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz ang nasabing skills enhancement training para sa mga tanod ay gagawin sa pamamagitan ng blended approach may kombinasyong ng online at face to face training methods.

Ang nasabing training ay magtatapos sa Oktubre 21,2021 at bawang isang session ay tatakbo ng tatlong araw.

Ang pilot session ay nagsimula nuong September 5 to 7 na dinaluhan ng nasa 20 opisyal ng mula sa barangays Bungad at Commonwealth.

Dagdag pa ni Corpuz sa tulong ng training mas lalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa kanilang tungkulin at sana mapabuti pa nila ang kanilang trabaho sa barangay.

Kabilang sa mga topics na tinalakay sa training ay Barangay Peacekeeping, Responsibilities as First Responders, at Tanod Operations.

Suportado naman ni Mayor Joy ang nasabing trainings na ayon sa alkalde ay timely at relevant.

Giit ni Belmonte, kaniyang sinisiguro na nabibigyan ng de-kalidad na serbisyo ang komunidad habang hindi nako-kompromiso ang kalusugan ng mga barangay personnel na nagsisilbing frontliners.