-- Advertisements --


Humigit kumulang 245,000 OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic ang natulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa ilalim ng kanilang DOLE-AKAP cash assistance.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi Sec. Labor Sec. Silvestre Bello na P2.5 billion na ang nagagastos ng pamahalaan sa mga nakalipas na buwan kaugnay sa subsidiyang ibinibigay sa mga OFWs na apektado ng pandemya.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nakatutok ngayon ang DOLE at kanilang ahensya sa dirstribution ng $200 o P10,000 para sa mga beneficiaries ng naturang programa.

Para sa mga OFWs na hindi pa nakakapag-avail sa financial assistance na ito, sinabi ni Cacdac na sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ng ika-apat na tranche sa oras na gumulong na ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.