Pumalo na sa mahigit 25,000 na mga pasahero ang stranded pa rin at nag-Pasko na sa mga pantalan matapos hindi makabiyahe dahil sa bagyong Ursula.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 25,122 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa.
Ang mga stranded ay nasa mga pantalan ng Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visayas.
Mayroon ding stranded na 2,700 rolling cargoes, 30 motorbancas, at 169 na mga barko.
Pinakamaraming stranded na pasahero sa Port of Matnog na umabot sa 10,847.
Suspendido ang biyahe ng mga barko sa mga lugar na apektado ng Typhoon Ursula.
Samantala, mahigit 40 domestic flights naman ang kanselado ngayong araw ng Pasko dahil sa bagyong Ursula
Kabilang sa mga nagkansela ng flights ang Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific, Cebgo, Air Asia at Skyjet.
Sa NAIA Terminal 2 ang mga kanseladong flights ng PAL Express:
2P 2139/2140 Manila-Iloilo-Manila
2P 2129/2130 Manila-Bacolod-Manila
2P 2921/2922 Manila-Legazpi-Manila
NAIA Terminal 3
(2P) PAL Express
2P 2203/204 Manila-Roxas-Manila
2P 2969/2970 Manila-Kalibo-Manila
2P 2987/2988 Manila-Tacloban-Manila
(5J) Cebu Pacific
5J 373/374 Manila-Roxas-Manila
5J 891/892 Manila-Caticlan-Manila
5J 899/900 Manila-Caticlan-Manila
5J 895/896 Manila-Caticlan-Manila
5J 901/902 Manila-Caticlan-Manila
5J 905/906 Manila-Caticlan-Manila
NAIA Terminal 4
(DG) Cebgo
DG 6177/6178 Manila-Masbate-Manila
DG 6241/6242 Manila-Caticlan -Manila
DG 6007/6006 Manila-Marinduque-Manila
DG 6073/6074 Manila-Tugdan-Manila
(Z2) AirAsia
Z2 219/220 Manila-Caticlan-Manila
Z2 225/226 Manila-Caticlan-Manila
Z2 227/228 Manila-Caticlan-Manila
Z2 223/224 Manila-Caticlan-Manila
(M8) Skyjet
M8713/714 Manila-Busuanga-Manila