-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa 255 katao ang nahuli sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Brgy. 1, bayan ng San Jose, Antique.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng San Jose PNP na pinamumunuan ni PLt. Col. Mark Darroca; Antique Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni PMaj. Stephen Somotsot kasama ang Antique Provincial Police Office Intelligence Unit.

Ang mga arestado ay huli sa aktong nagsasagawa ng illegal cockfighting sa VCO Sports Development Center sa nasabing lugar.

Kabilang sa recoveries ay 31 buhay na manok panabong; walong patay na manok panabong; 213 gaff; at P860 na kita umano sa sabong.

Isinailalim na rin sa inquest proceeding sa Justice Calixto Zaldivar Hall Of Justice sa San Jose de Buenavista, Antique ang mga arestado.