LA UNION – Matapos na makuha ang kaukulang impormasyon hinggil sa pagdaong ng higit 250 kilo na Ocean sunfish o mola-mola ay agad rin nila itong inilibing.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Municipal Environment & Natural Resources (MENRO) Alfonso Viernes sa bayan ng Luna, La Union sinabi nito na pagitan ng alas 7 hanggang alas 9:30 kaninang umaga ng makita ng mngingisda na sina Rudy Pascua at Joseph Galay kapwa residente ng Barangay Victoria sa nasabing bayan.
Aniya may haba na 7.8 feet at halos 30 katao ang bumuhat sa dambuhalang isda.
Ayon pay kay Viernes na agad din ibinaon ang nasabing isda dahil patay na ito ng makita sa dalampasigan.
Dagdag pa ni Viernes na ang paglitaw ng nasabing isda ay dahil sa naghahanap ito ng mga maliliit na isda upang kainin at dahil na rin sa Climate Change.
Ang bayan ng Luna ay mayama sa laman dagat at ang paglitaw ng nasabing isda ay bukod tangi mula sa kasaysayan.