MOCOA, Colombia – Pumalo na sa 254 indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa napalakas na pagbuhos ng ulan na naging sanhi ng malawakang pagbaha at mudslides, Sabado ng umaga.
Bukod sa higit 250 nasawi, nasa 400 ang naiulat na nasugatan at daan-daang mga residente ang na displaced.
Kaagad namang nagtungo sa Mocoa si Colombian President Juan Manuel Santos para personal na isupervise ang ginagawang rescue efforts sa nasabing lugar.
“We will do everything possible to help them,” pahayag ni Columbian Pres.Santos matapos kumpirmahin ang bilang ng mga nasawing indibidwal.
” It breaks my heart,” wika ni Santos.
Batay sa datos ng Columbian Army na kanilang inilabas umakyat na sa 254 ang nasawi, 400 ang sugatan, 200 ang missing.
Nasa 1,100 na mga sundalo at police personnel ang idineploy ng Columbian government sa lugar para tumulong sa rescue effort.
Napag-alaman na nasa 17 mga barangays ang apektado sa malawakang pagbaha at mudslide.
Tumanggi namang magbigay ng exactong bilang ng mga casualties si Pres. Santos.
Tiniyak ng pangulo na lahat ng tulong ay kanilang ibibigay sa mga biktima ng pagbaha at mudslides. (Reuters)