Nasa 257 sundalo ng Philippine Army ang sumailalim sa urban warfare training na pinangunahan ng mga Australian Army.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para palakasin pa ang operational capability ng militar para labanan ang mga terorista na may planong masama sa mga siyudad at mga highly populated communities kagaya ng ginawa nila sa Marawi.
Ayon kay 10th Infantry Division Commander, MGen. Noel Clement, naka pokus ang dalawang linggong pagsasanay sa urban close combat, search and breach operation, managing trauma, communication operation, command and control in urban operation, sniping, and counter-sniping, Joint fires and airspace deconfliction.
Nagsimula ang pagsasanay nuong February 15.
Ang mga participants ay binubuo ng anim na officers at 252 enlisted personnel.
Ang nasabing training ay bahagi ng Philippines-Australia Army to Army Exercise.