![tingog1](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/04/tingog1.jpg)
Kapwa tiniyak nina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na mas maraming tao ang maaaring maka-avail ng mga serbisyo ng gobyerno na mas malapit sa kanilang mga tahanan kasunod ng paglulunsad ng tatlo pang Alagang Tingog Center (ATC) sa lalawigan ng Davao del Norte .
Layon nito na mas mapadali ang pagbibigay ng mga pampublikong serbisyo sa mga residente ng bayan ng Tagum City, Asuncion at San Isidro sa Davao del Norte kasabay ng pagbubukas ng Alagang Tingog Center.
Pormal ding nagbukas ng tig-isang ATCs si Tingog sa Samal Island, Panabo City, at munisipalidad ng Carmen.
“Consistent with Tingog’s mission to bring forth change, hope, and progress, we are pursuing the mission to reach out to more people, especially those in remote areas, to make it easier for them to avail of government services,” ayon kay Rep. Romualdez, na asawa ni Speaker Romualdez.
Pinasalamatan ni Rep. Romualdez ang mga concerned local officials sa kanilang tulong at kooperasyon sa pagtatayo ng ATCs sa kanilang mga lugar at maging ang mainit na pagtanggap ng mga residente sa kanila.
“Salamat po sa lahat ng ating local officials sa suporta nila ganun din po sa ating mga kababayan sa Davao del Norte sa mainit nilang pagtanggap. Huwag po kayong mag-atubili na pumunta sa ating mga ATC at makakaasa kayo na gagawin naming ang aming makakaya upang maihatid sa inyo ang karampatang serbisyo,”wika ni Rep. Romualdez.
Sa panig naman ni Speaker Romualdez, “With these new ATCs, many of our people in the province of Davao del Norte can enjoy needed government services practically next to their doorstep, sparing them the inconvenience of traveling to urban centers for this purpose. I hope and pray for the success of this endeavor so we can reach out to more people in the future.”
kasunod ng pagbubukas ng Alagang Tingog Centers, namahagi kaagad ng pinansiyal na tulong ang mga ito sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Nasa 500 residente mula sa San Isidro ang initial recipients ng AICS, habang ang iba pang 500 beneficiaries ay mula sa transport sector mula sa Asuncion.
Nasa 1,700 magsasaka naman ang nakatanggap ng payout sa Tagum City.