-- Advertisements --

Ipapakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasa mahigit 2,500 field personnel at 468 assets ngayong Holy Week.

Ang mga ito ay ipapakalat ng ahensya sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na magsisilbing gabay sa mga motorista at magmamando sa daloy ng trapiko.

Nakahanda namang ipatupad ng MMDA ang kanilang traffic management at deployment plan para sa Semana Santa ngayong taon sa Abril 16.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, magpapatupad sila ng no day off Policy sa kanilang mga traffic personnel.

Mananatili namang bukas 24/7 ang lahat ng kanilang MMDA Communications and Command Center.