Kinumpirma ng pamunuan ng Department of of Migrant Workers na nakakuha na ng mahigit 2500 na mga OFWs mula sa naluging kumpanya sa Saudi Arabia ang kanilang final claims.
Sa isang pahayag sinabi, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, nakatanggap ang mga ito ng kabuuang 130 million Saudi Riyals (SAR) o katumbas ng P1.95 billion.
Kaugnay nito ay umasiste ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapalit ng mga inisyung cheke na ibinigay sa mga claimant.
Tiniyak naman ng Migrant Workers na lahat ng OFWs na naapektuhan ng nasabing pagsasara ng kumpanya ay mabibigyan ng claim.
Ani Cacdac, kailangan lamang mag-abang sa mga susunod pang anunsyo ng construction companies na nagsara sa Saudi Arabia noong 2015.
Kung maaalala, naapektuhan ng pagsasara ang 10,000 Filipino workers at nawalan sila ng trabaho.