-- Advertisements --
COVID students American US face masks
Creative face mask contest (photo American High School)

Naitala ngayon sa Amerika ang panibagong maraming bilang nga mga kaso ng coronavirus sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ito ay kasunod na rin nang pagbubukas ng klase sa Estados Unidos.

Umaabot sa 37 mga estado ang naitala ang mga bagong positive COVID-19 cases lalo na sa mga kolehiyo at unibersidad.

Nasa kabuuang 25,000 mga kaso ng mga nahawa na estudyante at campus staff ang naitala.

Ang mga nahawa sa mga estudyante ay nagmula sa mga sumusunod na estado: Alabama, Arizona, Arkansas, California, Colorado, Connecticut, Florida, Georgia, Hawaii, Illinois, Indiana, Iowa, Kansas, Kentucky, Louisiana, Maine, Maryland, Massachusetts, Michigan, Mississippi, Missouri, Nevada, New York, North Carolina, North Dakota, Ohio, Oklahoma, Pennsylvania, South Carolina, South Dakota, Tennessee, Texas, Utah, Virginia, West Virginia, Washington at Wisconsin.