-- Advertisements --

Sumampa na sa mahigit 259,000 ang mga pamilya na natulungan ng gobyerno sa pamamagitan ng Walang Gutom Program ng DSWD.

Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ito ay katumbas ng aabot sa 86.47% mula sa kabuuang 300,000 target beneficiaries .

Ang hakbang na ito ay naka angkla sa anti-hunger program ng ahensya bago matapos ang kasalukuyang taon.

Batay sa datos , aabot lamang sa 2,000 ang naging benepisyaryo ng programa mula noong nakalipas na taon.

Ayon sa ahensya, aabot na sa 22 na mga probinsya ang benepisyaryo nito mula sa 10 rehiyon sa Pilipinas.

Nilalayon ng programang ito ng DSWD na wakasan ang gutom ng aabot sa isang milyong food poor families bago sumapit ang taong 2027.