-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Umaabot na sa kabuuang 265,119 na mga indigent senior citizens sa Western Visayas ang nakatanggap na ng kanilang pension mula sa Department of Social Welfare and Development Office VI.

Ayon kay Regional Director Ma. Evelyn Macapobre, P795,357,000 ang kanilang nirelease sa mga social pensioners noong Mayo 18.

Ayon kay Macapobre, ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 na allowance para sa unang semester ng 2020 o buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Ang ahensya ay nakabigay na ng cash grant sa 39,836 na mga senior citizens sa sa Aklan; 31,744 sa Antique; 45,358 sa Capiz; 13,461 sa Guimaras; 24,140 sa Negros Occidental; at 110,580 sa Iloilo.

Target ng DSWD ang 365,908 na mga indigent elderly beneficiaries sa rehiyon.

Dagdag din ni Macapobre na humingi ito ng tulong sa mga local government units sa pagpamigay ng social pension upang masiguro na mabilis ang bigayan nito sa ilalim ng community quarantine.

Ang social pension ay isang regular na programa ng DSWD bilang parte ng commitment for the protection ng mga matatanda na nasa ilalim ng Republic Act No. 9994 o ang “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”

Sa ilalim ng Social Pension, ang mga kwalipikadong senior citizens ang makakatanggap ng monthly allowance na P500 na nirerelease tuwing anim na buwan.

Ayon kay Macapobre, patuloy pa rin sa ngayon ang ibang mga LGUs sa pamimigay ng social pension.