-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 271,000 indibidwal o mahigit 68,000 pamilya ang apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Ito’y base sa inilabas na situation report ng NDRRMC.

Sa bilang na ito, mahigit 148,000 indibidwal o halos 39,000 pamilya ang tumutuloy sa 497 evacuation centers.

Mahigit 87,000 indibidwal o 22,000 pamilya naman ang pinagsisilbihan sa labas ng evacuation centers.

Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa mga residente sa mga apektadong lugar na sumunod sa mga instructions ng mga lokal na awtoridad.