-- Advertisements --

Nasa 281 security cooperation activities para sa susunod na taon ang napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagtatapos ng pagpupulong ng Mutual Defense Board At Security Engagement board (MDB-SEB) kahapon Kampo Aguinaldo.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. at Admiral Philip Davidson, ang Commander ng U.S. Indo-Pacific Command.

Si Admiral Davidson ang pinuno ng buong pwersa ng Estados Unidos sa Indo-Pacific Region na naka-base sa Hawaii.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, na ang matagumpay na pagpupulong ay magtataguyod ng patuloy na magandang ugnayan ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

Naniniwala ang AFP at US Military na mas-mapapalakas pa ang kanilang kooperasyon sa aspeto ng national at security interests partikular sa counterterrorism, maritime security, cyber security, humanitarian assistance and disaster relief, at iba pa.

Ayon kay AFP Public Affiars Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato, nadagdagan ng 20 activities mula sa ginawang planning nuong nakaraang taon kaya level up ang mga aktibidad sa susunod na taon.