Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission na umabot na sa 280k indibidwal ang nabenipisyuhan ng lifeline rate subsidy.
Ito ang ipinagmalaki mismo ni Energy Regulatory Commission Chair Monalisa Dimalanta sa mga mambabatas kamakailan.
Ginawa ng opisyal ang kumpirmasyon sa ginawang pagtalakay sa pondo ng DOE na kinabibilangan ng ERC para sa susunod na taon.
Batay sa datos, aabot na sa 287,867 na ang benepisyaryo ng programa mula pa noong January 2023 hanggang June 2024.
Ang programang ito ay isang non-cash monetary discount program sa monthly bill ng kuryente sa mga consumer.
Mula naman sa naturang bilang, aabot sa 237,023 ang benepisyaryo ng 4ps.
Dumami aniya ang mga benepisyaryo mula nang sinumulan ang pagbilang sa mga benepisyaryo ng 4ps noong unang buwan ng taon.
Patuloy rin ang kanilang pag-iikot sa mga barangay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa .
Layon nitong magbigay ng impormasyon at para na rin sa kanilang registration program .
Ang ERC ay may panukalang pondo na aabot sa P926,379 para sa taong 2025.