Mahigit 2,000 telco permits and clearances na ang inaprubahan ng mga local government units (LGUs) batay sa kumpirmasyon ni Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.
Sinabi ni Año, nasa kabuuang 2,220 telecommunication permits ang kanilang naaprubahan para tugunan ang pangangailangan sa telecommunication services lalo na ngayon ay halos lahat naka work from home at online class.
Sa ngayon ayon sa kalihim nasa 712 na lamang ang pending sa mga telco applications.
Binigyang-diin ng kalihim, nag-comply ang mga LGUs sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte para i-fast track ang proseso para sa construction ng mga ng mga cell towers.
Sa ngayon pinaiksi na sa 16 na araw ang application process at binawasan na rin ang mga required requirements para mas madaling ma-comply ito ng mga telecommunications companies.
Ayon kay Ano, wala ng dahilan ang mga Telcos na i-delay ang kanilang mga proyekto lalo na sa pag-improve pa ng kanilang capacities.
Una rito ipinag-utos ng Pangulong Duterte sa mga LGUs na bilisan ang pagbibigay ng mga permits at clearances sa mga Telcos.