Higit dalawang milyong piso na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Iligan City sa mga magsasaka sa kanilang lungsod na naapektuhan ng matinding tag-tuyot na sinabayan pa ng umiiral na El Niño.
Kabilang na rito ang isang milyong piso na halaga ng assistance mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).
Ito ay inilaan para sa agrikultura at rehabilitasyon na siyang tutugon sa epekto ng El Niño.
Ang isa pang isang milyong piso ng assistensya ay inilaan para sa emergency purchase ng 20 power spray na ipinalabas ng City Agriculturist’s Office.
Sa isang pahayag, sinabi ni CAO Focal Person Kevin R. Fernan, wala pa ring patid ang kanilang pamamahagi ng tulong.
Nilalaypn nito na matiyak na matutigunan ang mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka sa kanilang lugar sanhi ng El Niño.
Sa datos, aabot sa 31,000 ektaryang sakahan ang apektado ng naturang weather phenomenon.
Tinukoy ng mga kinauukulan ang Barangay Rogongon sa nasabing lungsod.
Pumapalo rin sa sampung libong individual ang rehistradong magsasaka sa lugar.