Sumampa na sa mahigit 3.3 million na mga Pilipino ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine sa bansa habang mahigit sampung libong indibiwal naman ang pumiling lumikas dahil sa epekto ng bagyo.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw.
Ayon kay DSWD Asec. Irene Dumlao , mahigit 805,000 na pamilya na ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region pa lamang kabilang na ang karagdagang 40,000 na pamilya.
Aabot naman sa kabuuang 288,000 na indidibwal o katumbas ng 75,000 na pamilya ang namamalagi sa higit 3,300 shelters na itinalaga ng gobyerno.
Paliwanag ni Dumlao , biglang lobo ang numero ng mga apektadoong Pilipino matapos na maipasa sa kanila ang disaster reports mula sa region 1, 2, at mula sa Central Luzon.
Kaugnay nito ay nakapaghatid na rin ang ahensya ng P111 million na halaga ng humanitarian aid.
Ito ay kinabibilangan ng mahigit 150,000 family food packs at mga nonfood items sa mga evacuations centers kung saan namamalagi ang mga lumikas na pamilya.