Pinagbabangga at pinalibutan ng water cannon ng mga Chinese Coast Guard (CCG) vessels ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Linggo, August 25.
Simula 10:30 ng umaga, hinarang na umano ng mga tsino ang Philippine vessel na nasa 10 nautical miles malapit sa Sabina shoal.
Hanggang alas dos ng hapon, nang gitgitin at pagbabanggain ng CCG ng higit limang beses ang BRP Datu Sanday.
Pinalibutan ng CCG 3104, 4102, 21555, 21551, at ilang militia vessels ang BRP Datu Sanday at sabay sabay na inatake ng water cannon na tinatarget ang navigational equipment ng naturang Ph vessel ng BFAR.
Matatandaan na ang CCG 21551 ang bumangga sa BRP Bagacay na naging dahilan ng malaking butas sa barko noong Lunes ng madaling araw. Ito rin ang unang bumangga sa BRP Datu Sanday kanina.