Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang aabot sa P14,795,000 na financial aid para sa mga benepisyaryo ng ‘Ayuda para sa Kapos ang Kita Program’o AKAP program ng ahensya.
Ayon sa ahensya, napakinabangan ito ng halos tatlong libong benepisyaryo ng naturang programa mula sa lalawigan ng Albay.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000 na cash aid.
Aabot naman sa kabuuang 2,959 benepisyaryo ng AKAP programa na mula sa 25 barangay sa bayan ng Tiwi.
Lahat ng mga benepisyaryong ito ay pumasa sa isinagawang pre-assessment ng ahensya.
Ibig sabihin ay sinala muna ng DSWD kung sino ang talagang nangangailangan ng tulong sa lugar.
Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay mga mababa ang kita na kinabibilangan ng mga sumusunod;
Tricycle driver, trabahador, magsasaka, kasambahaY, security guard, barangay health worker, barangay tanod, sales ladies, karinderya worker, karpintero, at iba pa.
Iniulat rin ng ahensya na karamihan sa mga natukoy na benepisyaryo ay mga mangingisda mula sa Albay.
Layon ng AKAP na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong kapos ang kita dahil na rin sa nagpapatuloy na pagtaas ng mga bilihin dulot inflation sa bansa.