CENTRAL MINDANAO-Mahigit tatlong libong Kabakeño ang masayang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Cotabato.
Unang pinasyalan ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang pamamahagi ng ATM Card para sa mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer o UCT sa USM Gym.
Lubos ang pasasalamat nito kay DSWD XII RD Loreto Cabaya, Jr. at sa pamunuan ng USM GYM sa pangunguna ni USM Pres. Franciso Gil Garcia sa pagbubukas ng kanilang pinto upang maging venue ng nasabing programa.
Nilinaw rin ng alkalde na ang mga ATM Card ay bukas pa puwedeng iwithdraw dahil na rin sa dami ng mga benepisyaryo.
Sunod namang pinuntahan ng alkalde ang nagpapatuloy na pamamahagi ng cash for work para sa mga Persons With Disability sa Brgy. Osias covered court.
Dito, tiniyak ng alkalde na sa tulong ng DSWD, pamunuan ni Governor Emmylou Taliño-Mendoza at 3rd District Congresswoman Samantha Santos ay marami pang darating na mga programa para sa bayan.
Sa huli, naging madamdamin ang mensahe ni Mayor Gelyn sa lahat na gamitin nawa ang nakuhang assistance para sa kanilang pang araw-araw na gawain.