-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Umabot umano sa 3,170 na indibidwal ang naitalang lumabag sa pinapairal na community quarantine sa buong Zamboanga Peninsula sa loob ng dalawang buwan ayon sa kumpirmasyon ng pulisya.

Sa datos na naitala Police Regional Office Region 9 (PRO-9), 2,928 sa mga ito ay naaresto dahil sa paglabag sa ipinapatupad na curfew hours, 242 naman dahil sa pagsuway sa itinuturing na persons in authorities.

Dagdag pa ng PNP, 2,099 umano sa mga lumabag sa curfew ang nawarningan, 269 ang sasampahan ng kaso at 560 ang pinagmulta.

Base sa report, ang Zamboanga City na nasa enhance community quarantine (ECQ) umano ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga violators na nasa 1,398, Zamboanga del Sur 862, Zamboanga del Norte 386, Zamboanga Sibugay 368 at Isabela City na mat 156.

Ayon sa pulisya, naging matagumpay naman umano ang pagpapatupad nila ng mga alintuntunin na nakapaloob sa community quarantine ng buong Rehiyon 9.

Sa ngayon ay nakahanda na ang buong pwersa ng PNP sa Zamboanga Peninsula sa pagpapatupad ng mga guidelines sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na ipapatupad na sa buong rehiyon simula ngayong araw hanggang sa Mayo 31, 2020.