Inilusad kahapon, Sabado ang Cash and Rice Distribution (CARD) Program sa Bukidnon matapos ang matagumpay na pagbubukas nito sa Metro Manila at ilang lugar sa Laguna.
Nasa kabuuang 3,000 benepisyaryo mula Bukdinon ang nakatanggap ng tulong.
Ito ay tughon sa panawagan ni Pangulong Ferdinad “Bongbong” R. Marcos Jr. na bumuo ng programa na magbibigay ng tulong pinansyal at murang bigas sa mga mahihirap at vulnerable na pamilya.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangunahing nagsusulong ng programa, nilalayon nitong mamahagi ng bigas at tulong pinansyal sa mga mahihirap at vulnerable na mga Pilipino sa pamamagitan ng legislative districts ng bansa.
Itinaon ang CARD Program sa ginaganap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Bukidnon.
Ang proyektong ito ay magkatuwang na ipinapatupad ng Kamara at ng Department of Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Una nang inilusad ang CARD sa 33 distrito sa Metro Manila na may tig-10,000 benepisyaryo o kabuuang 330,000 na residente.
Mayroon ding 5,000 residente ng Biñan at Sta. Rosa Cities sa Laguna ang natulungan ng CARD.
Sa ilalin ng programa, kada benepisyaryo na kinabibilangan ng senior citizens, PWDs, solo parents and IPs – ay makakatanggap ng hindi bababa sa P2,000 na halaga ng tulong pinansyal at rice assistance na kinabibilangan ng isang sako ng 25-kilogram na bigas at P1,000 cash para pambili ng iba pang pagkain.
Ang DSWD ang tumutukoy sa mga benepisyaryo.
Bahagi rin ng CARD program ang patatayo ng mga booth kung saan makakabili ng mas murang bigas.
Magkatuwang na binuo ang CARD program ng Kamara de Representates at ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Inihayag naman ni Speaker Romualdez na iikot rin ang CARD program sa buong bansa para serbisyuhan ang 250 congressional districts na may 10,000 benepeisyaryo kada distrito o kabuuang 2.5 milyong indigent at vulnerable na mga Pilipino.