-- Advertisements --

bakuna Taguig

Umabot na sa 3,011,659 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program ng Quezon City government.

Batay sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) nasa
1,754,377 o 103.20% ng 1.7 Million na target adult population ang nabakunahan na ng first dose, habang 1,257,282 o 78.27% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, nasa 1,351,012 o 79.47% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated.

Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Ayon sa CESU, malaking bagay ang pagbabakuna lalo na ngayong may Delta variant.

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lokal ng siyudad ang mga QCitizens na magpa rehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Samantala, nasa 44 na lugar na lamang sa Lungsod ang nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Patuloy naman ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Samantala, aabot na sa 718 na mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng granular lockdown.

Nanguguna ang Cordillera na may 253 lugar na naka granular lockdown. Pumangalawa ang Cagayan Valley na may 233 habang ikatlo ang Metro Manila na may 135.

Sa kabuoan, 23, 846 na pamilya o 76, 992 na mga indibidwal ang apektado ng granular lockdown.

Para naman matiyak na masusunod ang health protocol at hindi kakalat ang COVID-19 virus nagdeploy naman ang PNP ng kanilang mga tauhan para tutukan ang mga nasabing lugar.