-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang ginagawang contact tracing matapos nagpositibo sa COVID-19 ang 31 mga callcenter agents ng Hinduja Global Solutions sa SM Strata sa Senator Benigno Aquino Jr. Avenue, Mandurriao, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay y Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na isang empleyado ng nasabing callcenter ang unang nagpositibo sa virus.

Nang nagsagawa ng contact tracing sa 100 mga nakaclose contact nito, 31 ang unang nagpositibo sa isinagawang swab test at may mga nadagdag pa na hindi pa nilalabas ang data.

Sa ngayon naka lockdown ang nasabing callcenter.