-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakakulong ngayon ang 35 mga indibidwal na hinuli ng mga personahe ng Calinan PNP matapos itong maligo sa ilog.

Ayon kay Calinan Police Station Police Major Jake Goles na maliban sa nasabing bilang, nasa 17 mga minor de edad rin ang naabutan na naliligo sa ilog sa Purok 9 Barangay Cawayan Calinan District.

Nasa 12 ang naaktohan na naliligo sa ilog ng Feria St. Barangay Calinan kung saan siyam naman sa mga ito ay mga minor de edad.

Sinasabing naghahanap ng ibang daan ang mga ito para lamang makaligo sa ilog matapos na maglagay ng checkpoint ang otoridad sa lugar.

Ayon kay Police Major Goles kailangan na sumunod ang mga residente kung ang polisiya na ipinapatupad laban sa Covid-19.

Inindorso ang 26 na mga minor de edad sa Women and Children Desk habang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 11332 in relation to Executive Order No. 19 sa Davao City Government ang iba pang 21 na mga indibidwal.