-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ngayon ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na mahigit 30 mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw ang nahawaan na ng coronavirus disease 2019.

Inihayag ni Mayor Sara nga as of oct 19, 2020, nasa 31 mga government employee ng Davao city ang infected ng covid 19, kung saan 26 nito ay naka-recover na habang lima ay nananatili pa rin sa temporary treatment and monitoring facility.

Samantala, sinabi rin ng Alkalde na mayroon nang 16 na mga city government employees ang nabigyan na ng memo dahil sa violation ng health proptocols kung saan anim nito ay pinatawan na ng parusa at nagbayad na rin ng kanilang multa.