KORONADAL CITY – Nasa pangangalaga na sa ngayon ng Local Government Unit Arakan, North Cotabato ang mahigit 30 mga kasapi ng kulto na “Tinagong Tinoohan ni Kulas” na na-rescue ng mga otoridad mula sa kabundukan na bahagi ng Mt. Mahuson Ridge.
Ito ang inihayag ni Leonardo Santillan Reovoca, Municipal Information Officer ng Arakan, North Cotabato sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Reovoca, isang task group ang agad na binuo ng LGU-Arakan matapos nagreklamo ang pamilya ng 3 mga namatay na umano’y mga myembro ng kulto na pinabayaan na lamang na naaagnas na.
Kabilang sa mga isinasailalim sa de-briefing at medical treatment ang itinuturong lider ng kulto na si Nicolas alyalas Kulas at pamilya nito.
Ipinagdiinan ni Reovoca na kulto ang binuo ni Kulas sa kabundukan dahil sa kanilang ginagawa at paniniwala na ililigtas umano sila ng kanilag Diyos.
Napag-alaman na buwan ng Abril pa noong nakaraang taon nagsimulang mamundok ang mga ito at dahil sa gutom, lamig at walang maayos na tirahan ay namatay sa sakit ang 3 kasamahan ng mga ito.