-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng mga Iloilo Provincial Health Office ang nangyaring food poisoning mga mahigit sa 30 mga estudyante sa Pili National High School sa bayan ng Ajuy, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Ma. Socorro Quiñon, Provincial Health Officer, sinabi nito na nagsagawa ng United nations celebration at Acquaintance party ang mga grade 11 students.

Anya, uminom ng buko pandan juice na may gatas ang nasabing mga estudyante at kalaunan ay nagreklamo sa pananakit ng tiyan.

Isa naman ang namatay matapos nalason.