-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot sa higit 30 kabahayan ang sinira ng isang buhawi na nanalasa sa dalawang barangay sa distrito ng Arevalo sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Mercy Asiman, sinabi nito na aabot sa 21 bahay ang naapektuhan sa pagtama ng buhawi sa mga barangay Sto. Domingo at 18 naman sa Sta. Cruz.

Agad naman silang inilikas sa mas ligtas na lugar.

Isang siyam na taong gulang na bata naman sa Cruz ang iniulat na sugatan matapos nadaganan ng puno ng manggaa ng kanilang bahay.

Hindi pa naman batid ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala ng pagtama ng naturang buhawi.